San Fernando, La Union, isasailalim sa GCQ simula Abril hanggang Mayo
ISASAILALIM ang lungsod ng San Fernando sa General Community Quarantine (GCQ) simula ngayong Sabado Abril 24 hanggang Mayo 7.
Base sa Executive Order No. 16 na inisyu noong Biyernes, sinabi ni Gov. Francisco Emmanuel Ortega III na ang bilang ng kaso sa lungsod ay bumaba na at nasa moderate risk level simula noong April 18.
Kaugnay nito, hiniling ng pamahalaang lungsod ng San Fernando ay na ilagay na ang lungsod sa lower risk category.
Inutusan ni Ortega ang mga lokal na punong ehekutibo at mga kumander ng pulisya na tiyakin ang pagsunod sa mga alituntunin sa pagpapanatili ng mga guidelines para sa pagtugon ng National Action Plan laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at iba pang naaangkop na guidelines sa pinapatupad na GCQ.
Ang lungsod ng San Fernando ay napasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) kasama ang ilan pang bayan nito simula noong April 10 hanggang 23 ngayong araw, dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Hanggang Huwebes, ang lungsod ay may kabuuang 1,277 Covid-19 na kaso, na may 311 na aktibong kaso.
Simula nitong Huwebes, ang lungsod ay may kabuuang 1,277 COVID-19 na kaso, at may 311 na aktibong kaso.