Quezon Governor Danilo Suarez, nagpositibo sa COVID-19

Regional
Quezon Governor Danilo Suarez, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa COVID-19 si dating congressman at ngayo’y Quezon Governor Danilo Suarez.

Sa Facebook post, sinabi ni Suarez na ngayong umaga ay lumabas ang kanyang resulta na nagpositibo siya sa sakit matapos sumailalim sa routine RT-PCR test noong Mayo 5 bilang pag-iingat.

Ayon kay Suarez, sa kasalukuyan ay maayos ang kanyang kalagayan at binibantayan ng kanyang doktor ang kanyang kondisyon.

Nanawagan naman ang gobernador sa mga may close contact sa kanya sa nakalipas na mga araw na mag-self quarantine at obserbahan kung may sintomas.

Muli naman nagpaalala si Suarez sa lahat na laging magsuot ng facemask, maghugas ng kamay at sundin ang mga health protocols.

(BASAHIN: Quezon Province, humiling ng karagdagang pondo sa nat’l government para sa pagsasaayos ng mga daan)

Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, fully vaccinated na

Samantala, fully vaccinated na kontra COVID-19 si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.

Ngayong umaga, naturukan na ng ikalawang dose ng Sinovac vaccine si Gatchalian.

Abril 8 nang mabakunahan ng unang dose ng Sinovac vaccine ang alkalde.

Makatatanggap naman ang 73 homeless at inabandonang mga senior citizen sa Bahay Kalinga kanilang unang dose ng COVID-19 vaccine ngayong araw.

Habang patuloy ang vaccination sa mga senior citizen sa Valenzuela City People’s Park Amphitheater.

SMNI NEWS

Related Posts