Mga nabakunahan, maaari pa ring tamaan ng COVID-19
MAAARI pa ring tamaan ng COVID-19, ayon sa paglilinaw ni Dr. Eva Rabaya, pinuno ng Integrated Provincial Health Office- Cotabato na bawat bakuna ay may sariling efficacy rate mula 70 hanggang 90 porsyento pagkatapos na ito ay maturok.
Ito ang pahayag ni Dr. Eva Rabaya sa naganap na pagpupulong noong Huwebes sa Binoligan, Kidapawan City.
Ani Rabaya na kung ang bakuna na may efficacy rate na 70 porsyento mayroon pa rin itong 30 porsyento na posibilidad na maaari pa ring tamaan ng COVID-19 virus.
Samantala, sinabi ni Rabaya na ang kanilang kampanya na “Bakuna Plus” ay isang paalala sa publiko na ang proteksyon mula sa virus ay hindi lamang nagtatapos sa pagbabakuna.
Ang isang indibidwal ay dapat pa ring gawin ang minimum health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield, pag- disinfect ng katawan at kapaligiran at social distancing.