14 day quarantine, muling ipatutupad sa Puerto Princesa
Muling ipatutupad ang 14 day quarantine sa Puerto Princesa. Sanhi ng nakakaalarmang pagtaas ng kaso sa COVID-19 virus.
Kaya muling ipatutupad sa syudad ng Puerto Princesa ang pagsasailalim sa 14 day quarantine para sa lahat ng papasok sa syudad.
Ayon kay Dr. Dean Palanca, Incident Management Team (IMT) Commander, pitong araw na isasailalim sa quarantine sa mga isolation facility ang bawat indibidwal.
Kailangan din silang masuri sa pamamagitan ng Antigen test.
Kapag sila ay nag-negatibo sa test, maaari na silang makauwi sa kanilang mga pamamahay ngunit mayroon pa ring pitong araw na Home Quarantine Extension.
Ang naturang labing apat na araw na quarantine ay ipatutupad para sa mga Local Stranded Individual o LSI, balik probinsya resident o non resident, at authorized person outside residence o APOR.
Sasagutin naman ng pamahalaang panlungsod ng Puerto Princesa ang pagpapa-quarantine ng mga LSI habang ang mga APOR ay kailangan na sila na ang magbayad ng sariling pagpapa-quarantine.