Ziona Chana na may pinakamalaking pamilya sa buong mundo,pumanaw na
PUMANAW na ang may pinakamalaking pamilya sa buong mundo na si Ziona Chana na mayroong 39 na asawa at 94 na mga anak at magkasama sa isang four-storey pink house na mayroong 100 na mga kwarto sa Baktawng sa estado ng Mizoram, India.

Si Ziona ay 76 taong gulang at isang lider ng Christian sect na Chana, kung saan ay itinayo ng kanyang ama noong 1942 kasama sa kanyang miyembro ay kanyang pamilya.
Pinakasalan ni Ziona ang kanyang unang asawa noong siya ay 17 at inamin din na nag-asawa siya ng 10 na mga kababaihan sa isang taon.
Ibinahagi nila ang isang dormitoryo malapit sa kanyang pribadong silid-tulugan at sinabi ng mga lokal na gusto niya na pito o walo sa kanila ang nasa tabi niya sa lahat ng oras.
Kinumpirma ng chief minister ng Mizoram sa pamamagitan ng Twittter na pumanaw na ang tinaguriang “major tourist attraction” sa bayan ng Baktawng.
Ayon sa local media ang pamilya ni Ziona ay pinakamalaking pamilya dahil sa kabuuang bilang na 167 miyembro nito, depende na rin kung isasali pa ang mga apo nito.
Matatandaan sa interview ng Reuters kay Ziona na gusto pa nitong palakihin lalo ang pamilya.
“I am ready to expand my family and willing to go to any extent to marry. I have so many people to care for and look after, and I consider myself a lucky man.” ani Ziona.