State of Emergency sa Thailand, pinalawig sa ika-65 beses
PINALAWIG pa ng Thailand ang state of emergency nito sa ika-65 beses.
Inanunsyo ni Prime Minister Prayuth Chan-O-Cha na pabor ito sa pagpapalawig ang state of emergency sa Thailand ng tatlong buwan partikular sa timog bahagi ng probinsya.
Subalit hindi pabor rito ang ilang National Government Organization (NGO), right groups at maging mga mambabatas at bagkus ay pinuna pa nito ang nasabing panukala.
Depensa naman ni Deputy Spokeswoman Prime Minister officer Ratchada Tanadirek na aprubado ng gabinete ang panukalang naglalayong palawigin pa ng tatlong buwan ang state of emergency sa ilang probinsya sa bansa.
Maaalalang Hulyo 2005 nang ipinatupad ang kauna-unahang state of emergency at patuloy pa ang pagpapalawig nito dahil sa mga naipabalitang karahasan sa lugar.
Gayunpaman, ayon naman sa ilang mambabatas ng Muslim Attorney Center Foundation (MACF), isang magandang estratihiya ang pagpapatupad ng nasabing panukala.
Mahigit 12,000 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Thailand
Samantala, umabot sa mahigit 12,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Thailand.
Ayon sa Center for COVID-19 Situation Administration maliban sa bagong kaso ng hawaan nakapagtala rin ng aabot sa 136 ang bagong bilang ng mga nasawi sa pandemya.
Sa nakalipas na tatlong araw nasa higit 15,000 ang bagong kaso ng virus habang ilan sa mga kaso na ito ay matatagpuan sa Bangkok na umabot sa 2,788.
Ayon sa CCSA nasa 14,738 na mga pasyente sa mga ospital ang na discharge na matapos gumaling sa COVID-19.
Simula nang manalasa ang pandemya sa bansa nasa higit 1.4 milyon na ang kabuuang kaso ng COVID-19 habang higit 14,000 ang kabuuang bilang ng nasawi.
Samantala, nasa 40.9 milyon ng COVID-19 vaccines ang naipamahagi ng pamahalaan ng Cambodia simula Pebrero 28 hanggang Setyembre 13.