Seremonya sa ika-20 kaarawan ni Princess Aiko, pormal na gaganapin sa Disyembre 5

International
Seremonya sa ika-20 kaarawan ni Princess Aiko, pormal na gaganapin sa Disyembre 5

GAGANAPIN sa Disyembre 5 ang seremonya sa kaarawan ni Princess Aiko na 20 taong gulang na sa Disyembre 1, ang nag-iisang anak nina Emperor Naruhito at Empress Masako upang hindi maabala ang pag-aaral nito.

Ayon kay Imperial Household agency, ito ay upang maiwasan na maabala ang pag-aaral ng Prinsesa na kasalukuyang nag-aaral ng Japanese literature sa gakushuin university sa Tokyo.

Wala namang banquet o pagtitipon na gaganapin dulot ng pandemya na dala ng Coronavirus.

Aasahan sa Disyembre 5 ang pagbisita nito sa mga santuwaryo upang mag-alay ng mga panalangin sa mga ninuno nito.

Gagawaran din ang Prinsesa ng grand cordon of the order of the precious crown sa pangunguna ni Emperor Naruhito sa imperial palace.

Matatandaan na noong 2020 ay nag-enroll si Princess Aiko sa Gakushuin University at kumuha ng kursong english at spanish, sports at health sciences.

SMNI NEWS

Related Posts