Rio de Janeiro, magsasagawa ng bus strike
INANUNSYO ng isang union ng mga bus driver sa Rio de Janeiro na magsasagsawa ito ng strike ngayong-araw.
Pahayag ni Sebastião José, pangulo ng nasabing union ay wala umanong pakialam ang mga negosyante at City hall sa sitwasyon ng mga bus drivers sa Rio de Janeiro kaya napagdesisyunan nito na magkaroon ng indefinite strike.
Sa ipinalabas na open letter ng union ay sinabi nitong dalawang taon nang hindi itinataas ang sahod ng mga manggagawa at wala din itong mga benepisyong natatanggap gaya ng health insurance, basic food basket at food stubs.
Dagdag pa rito ay hindi na rin ito nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng holiday compensation o overtime pay.
Samantala, sinabi ng Rio Onibus, isang ahensya sa siyudad na nakiusap ito sa mga manggagawa na huwag ituloy ang strike at pag-usapan muna ang nasabing sitwasyon.
Apektado naman ang municipal buses at mga rapid transit bus o BRT system sa buong siyudad ng Rio de Janeiro.