Pole Vaulter EJ Obiena, ipinagtanggol mula sa akusasyon ng PATAFA
IPINAGTANGGOL ni Sports patron at American bussinessman Lim Lafferty ang World no. 6 Pole Vaulter na si EJ Obiena laban sa mga akusasyon ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).
Ayon kay Lafferty, ang PATAFA ay isang pederasyon na tutulong dapat sa mga atleta at hindi nang-aakusa.
Iginiit pa nito na hindi dapat ang mga atleta ang iniimbestigahan hinggil sa mga akusasyon sa pondo kundi ang mga opisyal sa mga sports federation.
Naibahagi pa nito ang personal nitong nakita hinggil sa kalagayan ng mga Pilipinong atleta na nakasama nito sa isang flight na mas hamak na kawawa kaysa sa mga opisyal na nasa first class.
Dapat aniya na ang mga atleta na tulad ni Obiena ay inaalagaan at sinusuportahan lalo na at nakikipagkumpetensiya para sa kapakanan ng bansa.
Iminungkahi din nito na huwag gawing book keeper ang mga atleta bagkus gumagawa ng mas magandang liquidition procedures upang maiwasan na ang ganitong sitwasyon.