PM Anwar nagpaabot ng pagbati kay Pres. Erdogan sa pagkahalal bilang ika-13 presidente ng Turkiye
International
Share
NAGPAABOT ng pagbati si Prime Minister Datuk Seri Anwar Ibrahim kay Turkish President Recep Tayyip Erdogan sa muling pagkahalal nito bilang pinuno ng bansa sa isinagawang eleksiyon nitong Linggo, Mayo 28.
Sa isang post, binati ni PM Anwar si Pres Erdogan sa pagkahalal nitong bilang ika-13 presidente ng Turkiye.
Sinabi rin nito na ang Turkiye ay patuloy na gaganap ng mahalagang papel bilang isang regional at global player.
Bukod pa rito, sinabi rin ng punong ministro na inaasahan ng Malaysia na makipagtulungan nang malapit sa Türkiye upang mas mapaunlad ang bilateral relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon sa Supreme Election Council ng Turkiye, nanalo si President Erdogan sa pagkapangulo na may 52.14% votes.