Muntinlupa, idineklarang persona non grata si BuCor Chief Bantag

Metro
Muntinlupa, idineklarang persona non grata si BuCor Chief Bantag

IDINEKLARA ng Muntinlupa City Council na persona non grata si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag sa syudad dahil sa pagpapatayo ng pader sa New Bilibid Prisons na nakahahadlang sa mga kalsada.

Sa ngayon, balak ng Muntinlupa City Council na maghabla ng applicable cases laban kay Bantag dahil sa pagsasara ng ilang mga kalsada at sanhi na rin nang pagpapaalis nito sa informal settlers sa NBP reservation.

Nagsagawa ang Muntinlupa government ng emergency special session noong Sabado at gumawa ito ng anim na resolusyon dahil sa biglaan at iligal na road closures kabilang na ang “illegal eviction at demolition” sa mga informal settler kung saan nilabang ni Bantag ang Urban Development and Housing Act at sa City Ordinance.

Dagdag pa ng Muntinlupa local government, kinokondena nila ang aksyon ni Bantag at iba pang opisyales ng BuCor na responsible sa pagpapasara sa mga daanan papunta sa Katarungan Village 1 at 2, Muntinlupa National High School, Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, Southville 3 housing project, at Type B NBP reservation.

Una nang inihayag ng BuCor na ang mga pader na ito ay para sa seguridad ng NBP.

SMNI NEWS

Related Posts