Aung San Suu Kyi, nakatakdang dinggin ang unang hatol sa court trial bukas

International
Aung San Suu Kyi, nakatakdang dinggin ang unang hatol sa court trial bukas

NAKATAKDANG dinggin ng napatalsik na lider ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi ang unang hatol sa kanya sa isang court trial bukas.

Inaasahang diringgin ng napatalsik na pinuno ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi ang hatol sa kanyang paglilitis sa pag-uudyok bukas na una naman sa lahat ng mga hatol na ipapasa sa korte ng Junta na maaaring magpakulong sa kanya ng ilang dekada.

Ang nobel laureate ay nakulong mula nang patalsikin ng mga heneral ng militar ang kanyang gobyerno noong Pebrero 1.

Ayon sa isang local monitoring group, higit sa 1,200 katao ang napatay at higit sa 10-k ang naaresto sa mga crackdown dahil sa hindi pagsang-ayon ng mga ito sa militar.

Mahaharap si Suu Kyi sa 3 taong pagkakakulong kung mapatunayang nagkasala ng pag-uudyok laban sa militar — isa lamang sa mga paratang na sinasabi ng mga analyst na naglalayong alisin ang umano’y democracy icon sa political arena.

Samantala, hanggang sa ngayon ay hindi pa nililinaw ng Junta ang plano nito kay Suu Kyi at maaari rin umanong maantala ang hatol ng mga awtoridad.

SMNI NEWS

Related Posts