Anti-drug trafficking radar sa Ecuador, sumabog
SUMABOG ang isang plane spotting radar sa Ecuador na siyang ginagamit laban sa drug trafficking.
Dalawang linggo matapos itong simulang gamitin sa bansa ay sumabog ang plane spotting radar sa Ecuador na gamit laban sa drug trafficking.
Itinayo ang nasabing radar sa Montecristi –na nasa gitna ng pinakamalaking cocaine producers ng bansang Colombia, Peru, at Ecuador.
Ayon kay Presidential Spokesperson Carlos Jijon gagawin ng pamahalaan ang lahat para agad mapalitan ang nasirang radar dahil sa kahalagahan ng nasabing gamit laban sa pakikipaglaban ng bansa sa droga.
Maaalalang noong buwang ng Oktubre nang ideneklara ni Ecuadorian President Guillhermo Lasso ang state of emergency para sa pagpapalawig ng paglaban sa drug trafficking sa bansa sa tulong ng pwersa militar.
Samantala, plano ng pamahalaan na magdagdag pa ng isa pang radar sa timog bahagi ng bansa.